Nanawagan ang Sangguniang Bayan (SB) ng Basista, Pangasinan sa agarang tulong mula sa mga kinauukulang opisina ng pamahalaan kaugnay ng lumalalang kondisyon ng mga gusali at silid-aralan sa iba’t ibang paaralan sa bayan.
Ayon sa SB, may ilang silid-aralan na nakitaan na ng pagkasira at paghina ng estruktura dahil sa kalumaan at epekto ng mga nagdaang kalamidad.
Ipinunto rin ng lokal na konseho na ang kasalukuyang kondisyon ng mga pasilidad ay nangangailangan ng agarang aksyon dahil nagdudulot ito ng pangamba sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Naitala rin ang pangangailangan ng masusing pagsusuri sa bawat paaralan para matukoy ang lawak ng pinsala at kung ano ang mga gusaling kailangang kumpunihin o palitan.
Dahil dito, umapela ang SB ng Basista sa mga kinauukulang tanggapan ng mga tagapagbatas na agad na tugunan ang sitwasyon ng mga paaralan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










