Nakipagpulong ang mga opisyal ng lungsod ng Dagupan, kasama ang mga barangay captain kasunod ng ginanap na *Handa Ka Ba Council Meeting* upang talakayin ang implementasyon ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Scholarship Program.
Sa nasabing pagpupulong, pinag-usapan ang mga mekanismo at pamantayan upang matiyak na ang scholarship program ay maipagkakaloob sa mga pinaka-kwalipikado at tunay na nangangailangang mag-aaral sa bawat barangay ng lungsod.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng programa na gawing mas abot-kamay ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan at mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng nahaharap sa mga hamong pinansyal na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang kahalagahan ng isang maayos, patas, at transparent na proseso sa pagpili ng mga benepisyaryo upang masiguro na ang tulong ay makarating sa mga karapat-dapat na mag-aaral.
Inaasahan namang ilalabas sa mga susunod na araw ang karagdagang detalye hinggil sa programa, kabilang ang mga kwalipikasyon, proseso ng aplikasyon, at iba pang mahahalagang impormasyon.
Pinapayuhan ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya na abangan ang mga opisyal na anunsyo mula sa kani-kanilang barangay para sa mga susunod na update kaugnay ng BBM Scholarship Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











