ARESTADO | Lalaki, huli sa panghoholdap sa isang milktea store

37

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos mangholdap ng isang milktea store sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Virgilio Sisio na nahaharap sa robbery holdap.

Ayon sa tinderang si Macy Mendoza, nagpanggap na customer ang suspek nang lapitan siya nito at nilapag ang telang may lamang baril saka nagdeklara ng holdap.

Aniya, pagkakuha ng pera tumakbo na palabas ng tindahan ang suspek.

Pero dahil hindi agad umandar ang sinakyan nitong jeep nakuyog ng taumbayan ang suspek.

Nakuha naman sa suspek ang isang pekeng 9mm na baril na inamin niyang laruan ng kaniyang anak.

Facebook Comments