Asawa ng sikat na basketbolista, huli sa kasong carnapping

30502

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group o PNP-HPG ang dalawang notorious na con-artists na sangkot sa “rent-tangay” carnapping modus.

Kinilala ang pangunahing suspek na si Beatrice Pia White, alyas Janelle Consunji na asawa umano ng isang sikat na Philippine Basketball Association o PBA player na hindi muna pinangalanan.

Habang ang kaniyang kasama na kasabay na naaresto sa entrapment operation kagabi sa Sta. Mesa, Manila ay kinilalang si Efcel Reyes alyas Christine Martinez.


Naaresto ang dalawa matapos tanggapin ang P80,000 marked money mula sa biktimang si Manuelito Larin, bilang pagtubos sa 2019 Mitsubishi Mirage ng biktima, na ninakaw ng dalawa sa pamamagitan ng “rent-tangay” modus.

Sa follow-up investigation, lumitaw ang mga iba pang biktima ng dalawang suspek sa natuklasang hiwalay na kaso ng large scale estafa.

Tinakbuhan umano ng dalawa ang 700 investors makaraang mamuhunan ng mahigit P80 million sa kanilang multi-level marketing company na Aurea Organica International sa Quezon City.



Facebook Comments