ATM MACHINE SA CALASIAO, PANGASINAN TINANGKANG NAKAWAN NG MGA KAWATAN

193

Bigo ang mga kawatan na nakawan ang isang ATM machine sa loob ng isang establisyemento sa Brgy. Nalsian, Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa Calasiao Police, laking gulat ng mga empleyado ng Puregold nang magbukas sila ng pwesto at matuklasan ang nangyari.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang tinangkang nakawan ng mga kawatan ay ang ATM ng BDO kung saan ay sinira ng mga salarin ang cash dispenser o vault na naglalaman ng mga pera ngunit nabigo silang buksan ito.

Natuklasan na sinira ng mga magnanakaw ang ceiling na siyang naging daan upang makapasok sa loob ang mga suspek.
Nagsasagawa na ng malalim na imbestigasyon ang Calasiao PNP upang makilala at mahuli ang mga suspek. | ifmnews

Facebook Comments