
Kinumpirma ng Korte Suprema na dumagdag sa legal team ni Vice President Sara Duterte ang dati nitong tagapagsalita na si Atty. Michael Poa.
Ito ay matapos na maghain ngayong araw ng kaniyang Entry of Appearance ang dating spokesperson ng Department of Education at Office of the Vice President.
Kaugnay yan sa petisyon ng kampo ni Duterte na kumukuwestiyon sa impeachment case na lumabag daw sa tinatawag na one year bar sa ilalim ng Saligang Batas.
Hindi kasi pinapahintulutan ang mahigit isang impeachment proceedings sa isang opisyal sa loob ng isang taon.
Batay sa petition for certoriari and prohibition na inihain noong Pebrero, isa rin ang ama in VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa magsisilbing legal counsel para harangin ang impeachment.