Sumailalim sa on-site validation ang isang Multi-Purpose Drying Pavement (MPDP) bilang entry ng Alaminos City sa 2026 SubayBAYANI Awards.

Ang proyekto sa Barangay Amangbangan, na pinangalanang “MPDPfied: The Amangbangan Farmers’ IMProveD Experience,” ay kabilang sa Top 30 National Finalists ng naturang awards program.

Pinangunahan ni DILG Region 12 Assistant Regional Director Samuel A. Camaganacan ang validation team na sumuri sa proyekto.

Ang MPDP ay pangunahing idinisenyo bilang lugar kung saan maaaring magpatuyo ng mga ani ang mga magsasaka sa mas maayos at kontroladong espasyo.

Ayon sa datos ng lungsod, nakatulong ang pasilidad sa mga lokal na magsasaka sa kanilang post-harvest activities, habang nagagamit din ito ng mga residente para sa iba pang pangkomunidad na gawain.

Ang SubayBAYANI Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nakatuon sa pagsusuri at pagkilala sa mga infrastructure project ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang paraan ng pagpapatupad at epekto ng mga ito sa komunidad.

Ang on-site validation ang isa sa mga hakbang sa pagpili mula sa Top 30 finalists para sa 2026 SubayBAYANI Awards. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments