Australian Deputy Prime Minister Richard Marles, makikipagpulong kay Defense Sec. Carlito Galvez Jr., ngayong araw

Nakatakdang magkita sina Australian Deputy Prime Minister Richard Marles at Defense Officer-in-Charge Sec. Carlito Galvez Jr., ngayong araw.

Kasunod na rin ito ng pagbisita ni Marles sa Pilipinas.

Nabatid na mamayang alas-8:30 ng umaga ang arrival honors ni Marles sa Department of National Defense (DND) at susundan naman ito ng isang press conference ganap na alas-11:00 ng umaga.


Makikipagpulong din ang Australian official kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malacañang.

Sa naunang statement ng Australian government, sinabi nitong nagkasundo ang Pilipinas at Australia na mas palakasin pa ang kanilang strategic partnership na layuning magkaroon ng mas masagana at mas matatag na Indo-Pacific region kasama ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Pagkagaling sa Pilipinas ay tutulak naman si Marles sa Bangkok, Thailand kung saan kanyang makakapulong si Prime Minister Prayut Chan-o-cha.

Facebook Comments