Average cases ng COVID-19 kada araw sa nakalipas na linggo, halos 900

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mula Marso 1 hanggang Marso 7, 2022, nakapagtala sila ng kabuuang 6,297 na bagong kaso ng COVID-19.

Ang average naman na kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 899.

Ito ay mas mababa ng 30% kumpara sa mga kaso noong February 22 hanggang 28.


Sa mga bagong kaso, 3 o 0.05% ang kasalukuyang kritikal.

615 naman ang kabuuang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Ngayong araw naman Marso 7, 2022, 1,055 na COVID patients ang kritikal at naka-admit sa mga ospital.

Sa 3,138 ICU beds naman para sa mga pasyenteng may COVID-19, 807 (25.7%) ang okupado.

Samantala, 18.4% ng 24,678 na non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyang ginagamit.

Facebook Comments