
Para mas lalong matugunan ang problema sa gitna ng patuloy na Leptospirosis surge cases sa San Lazaro Hospital nagpadala na rin ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ng karagdagang medical staff.
Ilan sa mga naipadala ng JRMMC sa San Lazaro Hospital ay mga Doctors, Nurses, at Nurse Attendants.
Ang mga medical staff ay naglaan ng oras, kaalaman, at serbisyo upang tumulong sa admission, medical assessment, at nursing management ng mga pasyente.
Bukod sa mga medical staff, nauna na rin nagpadala ng kanilang tauhan ang Philippine Red Cross para umalalay at asikasuhin ang mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis.
Nagpapasalamat ang San Lazaro Hospital sa pakikiisa ng JRMMC kung saan malaking tulong ito sa pagpapatuloy ng de-kalidad, maagap, at malasakit na pangangalaga sa mga pasyenteng may leptospirosis lalo na sa panahon ng biglaang pagtaas ng kaso nito.










