AYUDA AT SUBSIDIYA SA OSPITAL, TAMPOK SA STATE OF THE CITY ADDRESS SA SAN CARLOS CITY

Tulong pinansyal sa panahon ng krisis, subsidiya sa gastusin sa ospital at libreng serbisyo sa dialysis ang ilan sa mga programang binanggit ni Mayor Julier Corpuz Resuello sa kanyang 2026 State of the City Address noong Oktubre 9.

Ayon kay Resuello, kabilang sa mga tinutukan ng lokal na pamahalaan ang mga senior citizen, solo parent, mga bata at persons with disabilities.

Kabilang sa mga programang pangkalusugan ng lungsod ang mobile health caravans, pagpapalawak ng primary care facilities at pagtatatag ng libreng dialysis services.

Bukod dito, binanggit ni Resuello ang tulong pinansyal at materyal para sa mga magsasaka at mangingisda, libreng edukasyon sa kolehiyo para sa kabataan, mga proyektong pang-imprastraktura at mga programa para sa lokal na trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments