BLOOD DONATION DRIVE SA ALAMINOS CITY, NAKATAKDANG IDAOS SA OKTUBRE 19

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa mga residente at iba pang mamamayan na makilahok sa blood donation drive na gaganapin sa Barangay San Vicente sa Oktubre 19, 2026.

Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), isasagawa ang Barangay Blood Caravan sa San Vicente Covered Court mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Inaasahang makatutulong ang aktibidad sa paglikom ng dugo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.

Gayunman, wala pang inilalahad na target na bilang ng mga donor o dami ng dugong makokolekta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments