LALAKI NA NAG-OUTING SA SUAL, PATAY MATAPOS MALUNOD

Nasawi ang isang 51-anyos na lalaki matapos malunod sa Barangay Baquioen Beach, Sual, Pangasinan bandang alas-5:30 ng hapon noong Abril 26, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagpunta ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa nasabing beach para sa isang outing bandang alas-9:30 ng umaga ng parehong araw.

Pagsapit ng hapon, natagpuan na lamang ang biktima na palutang-lutang malapit sa dalampasigan.

Agad itong iniahon mula sa tubig at rumesponde ang Rescue Team na nagdala sa kanya sa pinakamalapit na ospital para sa agarang atensyong medikal at posibleng resuscitation, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa pamilya, walang nakitang palatandaan ng foul play at kinilala nilang pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay.

Dinala ang labi sa isang punerarya para sa isasagawang post-mortem examination. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments