Babae, patay matapos tumalon sa Cubao footbridge

Wala pa ring kumukuha at hindi pa rin nakikilala ang isang matandang babae na tumalon sa kaniyang kamatayan sa EDSA South Bound Tunnel, sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City noong Marso 2.

Sa pagsusuri ng Quezon City Police District (QCPD) Forensic Unit, lumilitaw na nagtamo ng pinsala sa kanyang ulo ang matanda.

Makikita sa CCTV footage na ang matanda ay naglalakad mag-isa sa overpass, at pagdating sa gitnang bahagi, sumilip ito sa ibaba.

Pagkatapos nito, nakita siyang umakyat sa bakod at biglang lumundag.

Walang dalang ID o mga pagkakakilanlan ang matanda pero natagpuan sa kaniya ang isang handwritten note na naglalahad ng mga personal na problema.

Tinatayang ang biktima ay nasa edad 60 to 65 years old, may taas na 4’0 to 4’5,  maliit ang pangangatawan, grey na buhok, at may suot na floral design na damit.

Ang labi ng matanda ay inilipat na sa Bossing Funeral Services para sa safekeeping.

Facebook Comments