Campaign activities sa paaralan ni Pastor Quiboloy, dapat imbestigahan ng Comelec

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas sa Commission on Elections o Comelec na imbestigahan ang campaign activities para sa nakabilanggong Pastor Apollo Quiboloy na idinaos sa pampublikong paaralan sa Davao City.

Nakababahala para kay Brosas na ang isang tao na nahaharap sa kaso ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan tulad ng child sex trafficking ay ginagamit ang paaralan sa pangangampanya o sa pangsariling interes.

Para kay Castro, malinaw na may nagawang election violations si Quiboloy tulad na lamang ng pagpapalabas sa isang campaign rally ng video message nito mula sa piitan ng walang pahintulot ng korte.

Apela ni Brosas, dapat bilisan ang imbestigasyon laban kay Quiboloy upang sa lalong madaling panahon ay madiskwalipika ito sa pagtakbo sa Senado sa 2025 elections.

Facebook Comments