Klase sa Marikina, awtomatikong sususpendihin kapag pumalo ang heat index sa 42°C pataas

Nagdeklara ang Marikina City government ng suspension ng face-to-face classes kapag inaasahan ang heat index sa 42°C pataas.

Nakasaad din sa executive order ang pagpapatupad ng alternative delivery modality sa lahat ng levels, sa private at public, educational institutions sa Marikina.

Maaari kasi itong magdulot ng panganib sa kalusugan tulad ng heat exhaustion at heat stroke.

Alinsunod din sa kautusan, inaatasan ang mga namamahala o opisyal ng mga paaralan na siyang mag-aanunsyo ng suspensyon at sa paglipat sa alternative delivery modality.

Facebook Comments