BABAENG NAGSE-CELLPHONE HABANG NAGMAMANEHO, NAHULOG SA PALAYAN

25
Maswerteng nakaligtas ang isang babae matapos mahulog sa palayan ang kanyang minamanehong Isuzu DMAX sa San Manuel, Isabela kahapon, Hulyo 18, 2022.

Hindi na pinangalanan ng PNP kung sino ang drayber ng sasakyan. Sa imbestigasyon ng PNP San Manuel, nahulog ang ginagamit ang cellphone ng babae sa sahig ng kotse kaya siya yumuko upang abutin ito ngunit sa kanyang pag-angat ay may isang taong biglang tumawid.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ Sonny Longboy, hepe ng PNP San Manuel, kinabig pakaliwa ng drayber ang manibela upang iwasan ang tumawid subalit dumiretso ang sasakyan sa palayan.

Samantala, nagbayanihan naman ang ilang mga residente, ilang drayber at mga pulis para iahon ang sasakyan ng biktima sa pagkakahulog sa palayan.

Paalala ng pulisya sa publikong na tiyaking nakatutok sa pagmamaneho ng sasakyan para makaiwas sa aksidente.

Facebook Comments