MGA NAKAHARANG NA KAGAMITAN SA PALIGID NG PAMPUBLIKONG PAMILIHAN NG MANGALDAN, PATULOY NA BINABAKLAS

Patuloy ang isinasagawang clearing operation ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa mga kalsadang nakapalibot sa kanilang pampublikong pamilihan dahil sa matagal nang problema sa pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Sa mga lansangan ng J.L. De Guzman at Frianeza, inalis ng Joint Operation Team ang mga nakahambalang na istruktura at iba pang sagabal na gamit noong Hunyo 9.

Ayon sa ulat, sinimulan noong nakaraang linggo ang clearing operation at nagpapatuloy ang kanilang pag-iikot.

Pinangunahan ang operasyon ng Office of the Market Supervisor sa ilalim ni Officer-in-Charge Pedrito N. Rivera, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Public Order and Safety Office (POSO), TODA Task Force, at General Services Office (GSO).

Ayon sa lokal na pamahalaan, matagal nang problema ang pagsisikip sa paligid ng public market, lalo na sa mga oras na dagsa ang tao at sasakyan.

Malaking tulong naman umano ito sa mga residente, market vendors, at stall owners para sa organisadong daloy ng kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments