Pormal nang inilunsad ang Backyard Gardening Program sa Barangay Carosucan Sur at Barangay Carosucan Norte, Asingan sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng buto ng gulay sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Isinagawa ang pamamahagi sa kani-kanilang barangay hall bilang bahagi ng programa ng pamahalaang lokal na hikayatin ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran upang makatulong sa seguridad sa pagkain at pagpapabuti ng nutrisyon ng mga pamilya.
Prayoridad na mabigyan ng mga buto ng gulay ang mga pamilyang may mga batang nakararanas ng malnutrisyon, at limitado lamang sa 100 benepisyaryo ang maaaring makatanggap ng
libreng buto gayundin ang mga residenteng may bakuran at handang magtanim.
Nilinaw din ng MAO na hindi kinakailangang rehistradong magsasaka upang maging benepisyaryo ng programa.
Upang matiyak ang wastong paggamit ng mga naipamahaging buto, magsasagawa ang MAO at mga barangay ng monitoring makalipas ang tatlong linggo hanggang isang buwan mula sa pamamahagi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








