FARM-TO-MARKET ROAD SA BARANGAY SAN JOSE, SAN NICOLAS SINIMULAN NANG SURIIN PARA SA NALALAPIT NA KONSTRUKSYON

Sinimulan na ang site visit at teknikal na inspeksyon para sa planong konstruksyon ng Farm-to-Market Road sa Barangay San Jose, isang proyektong inaasahang magpapabuti sa transportasyon ng mga produktong agrikultural at magbibigay ng mas ligtas at mabilis na daan para sa mga magsasaka at residente.

Pinangunahan ng mga inhinyero mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang nasabing inspeksyon.

Binigyang-diin ng mga ito ang kahalagahan ng proyekto sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, pagpapabilis ng transportasyon ng mga ani, at pagpapagaan ng paglalakbay ng mga residente. Nagpahayag naman ng pasasalamat at buong suporta ang mga residente ng Barangay San Jose.

Ayon sa kanila, malaking tulong ang proyekto upang mapabuti ang kanilang kabuhayan, mapaikli ang oras ng biyahe, at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments