Ulang ibinuhos sa Puerto Princesa City nitong Linggo, record-breaking – PAGASA

Tinatayang malalampasan ang dami ng ulang ibinuhos sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon.

Ayon sa PAGASA, nasa 150 milimeters ang amount of rainfall na ibinagsak sa lungsod kahapon sa loob lang ng tatlong oras.

Mas marami ito kumpara sa 141 milimeters na ibinuhos na ulan noong February 16, 2012.


At tinatayang malalampasan nito ang 24-hour rainfall extreme na 269 milimeters na naitala sa lugar noong December 29, 1975.

Kasalukuyang nakataas sa “Blue Alert” status ang ng Puerto Prinsesa City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Facebook Comments