Bagong alert level sa NCR at malaking bahagi ng bansa simula ngayong araw, hinihintay pa ng Malakanyang

116

Wala pang impormasyon sa ngayon ang Malakanyang kung ano ang paiiralin na bagong alert level sa COVID-19 simula ngayong araw, July 16.

Nabatid kahapon ang huling araw na itinakdang epektibo ang alert level 1 sa National Capital Region (NCR) at sa ilan pang lugar sa bansa.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, patuloy na nag-aantay ang Malakanyang ng abiso mula sa Department of Health (DOH) at sa Office of the Executive Secretary.


Matatandaang, inihayag ng ilang health expert na dapat pa ring manatili sa alert level 1 ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Facebook Comments