BAGONG CHILD DEVELOPMENT CENTER AT ALS TRAINING CENTER, PINASINAYAAN SA SAN MANUEL, PANGASINAN

Pormal na pasinayaan ang Poblacion 1 Child Development Center at Alternative Learning System (ALS) Training Center sa Bayan ng San Manuel noong Hulyo 8, 2026.

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel, katuwang ang Public Schools District Office–San Manuel at mga opisyal ng Barangay Poblacion, ang inagurasyon ng dalawang bagong pasilidad na inaasahang magsisilbing sentro ng dekalidad na pagkatuto para sa mga batang mag-aaral at mga ALS learners.

Inaasahang makapagbibigay ang Child Development Center ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga batang nasa maagang yugto ng pag-aaral, habang ang ALS Training Center naman ay magsisilbing lugar kung saan maaaring ipagpatuloy ng mga out-of-school youth at adult learners ang kanilang edukasyon at pagsasanay.

Ang pagtatayo umano ng mga pasilidad na ito ay patuloy na pagtutok sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments