Bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng paparating na bagyo, nagsagawa ng monitoring operation ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng Barangay Pugaro, katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Layunin ng isinagawang monitoring na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng dagat at lakas ng mga alon sa mga baybaying bahagi ng barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na ng mga mangingisda.
Kasabay nito, nagpaalala ang mga awtoridad sa lahat ng mangingisda at mga residente na pansamantalang iwasan ang pangingisda at huwag munang pumalaot habang nananatili ang banta ng malalakas na alon at masamang kondisyon ng panahon.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang barangay ang publiko na manatiling mapagmatyag, maghanda sa anumang posibleng sakuna, at mahigpit na sumunod sa mga abiso at paalala ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










