Pinirmahan noong Biyernes ang kontrata para sa dalawang mahahalagang proyekto na naglalayong mapabuti ang pabahay at serbisyong pangkalusugan sa lungsod ng Dagupan.
Kabilang sa mga proyekto ang Presidential Condominium 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Filipino Housing) Project na itatayo sa Sta. Maria Street, Bonuan Boquig, at ang Construction of Dialysis Center Phase II na isasagawa sa Poblacion Oeste.
Kasama ni City Engineer Josephine Corpuz sa ceremonial signing ang pamunuan ng lungsod bilang hudyat ng pagsisimula ng implementasyon ng mga proyekto.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, layunin ng mga proyektong ito na mapalawak ang access sa abot-kayang pabahay at higit pang mapahusay ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.
Ipinahayag din na ang pagpirma sa mga kontrata ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa lahat ng residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








