Mga operator ng gasolinahan, hinikayat na magbigay ng diskwento sa publiko

73

Hinihimok ni Senator Grace Poe ang mga operator ng gasolinahan na magbigay ng competitive prices sa pamamagitan ng pagkakaloob ng diskwento sa mga produktong petrolyo nito.

Apela ito ni Poe sa mga operator ng gasolinahan sa harap ng kawalan ng oil price control sa ilalim ng deregulated regime.

Diin ni Poe, makikinabang sa diskwento ang mga driver ng pampublikong transportasyon at mga bribadong motorista.


Ikinalungkot ni Poe na sila ay kapwa labis nang nasasaktan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng pagsisikap nating bumangon sa epekto ng pandemya.

Giit ni Poe, hindi katanggap-tanggap ang pagkamal ng sobra-sobrang kita habang lalong nasasadlak sa hirap ang ating mga kababayan.

Facebook Comments