Bagong COMELEC Commissioner George Garcia, didistansya sa kaso ng mga kandidatong dati niyang kliyente

Didistansya si bagong Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia sa mga kasong nakabinbin sa kanila na may kaugnayan sa kaniyang mga dating kliyente na kandidato ngayon.

Isang pormal na liham ang isinumite ni Garcia sa clerk ng komisyon hinggil sa bagay na ito.

Kabilang sa mga naging kliyente ni Garcia bilang dating election lawyer sina presidential aspirants Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, at Mayor Francisco “Isko” Moreno.


Ayon pa kay Garcia, pinaplantsa na rin ng COMELEC En Banc ang resolusyon hinggil sa pag-oobliga sa political parties at sa mga kandidato na humingi muna ng campaign permit sa poll body ngayong bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments