BAGONG DAYCARE CENTER SA BARANGAY SALAPINGAO, DAGUPAN CITY, PORMAL NA MAGBUBUKAS SA HULYO 3 ‎

‎Nakatakdang pormal na buksan sa Hulyo 3 ang bagong daycare center sa Barangay Salapingao bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa programa nito para sa maagang pagkatuto ng mga bata.

‎Makapagbibigay ang bagong pasilidad ng mas komportable, ligtas, at angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga daycare pupils.

‎Kumpleto ito sa mga bagong mesa at upuan, air conditioner, Smart TV, educational toys, at mga aklat na magsisilbing dagdag na kagamitan sa paglinang ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.

‎Bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasilidad, nagsagawa na ng mga paunang aralin sa Phonics at pagkilala sa mga hugis ang mga batang naka-enroll sa daycare.


‎Bahagi ang proyekto ng patuloy na pagsusulong ng LGU ng de-kalidad na Early Childhood Care and Development (ECCD) upang matiyak na ang bawat batang Dagupeño ay magkakaroon ng sapat na oportunidad para sa ligtas, makabuluhan, at mas epektibong pagkatuto sa kanilang murang edad.

‎Inaasahang mas mapapalawak pa ng bagong daycare center ang suporta ng lungsod sa pagpapaunlad ng edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa Barangay Salapingao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments