Pormal nang inilunsad ang Season-Long Farmers Field School on Sustainable Rice Production with Emphasis on the PalayCheck System sa Barangay Tarece, San Carlos City, na programang layong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa makabago, episyente, at sustenableng produksyon ng palay.
Sasailalim ang mga kalahok na magsasaka sa serye ng mga pagsasanay, field demonstrations, at aktuwal na aplikasyon ng PalayCheck System.
Inaasahang mapataas nito ang ani, mapabuti ang kalidad ng palay, at maisulong ang mas sustenableng pamamaraan ng pagsasaka.
Sa pamamagitan ng Season-Long Farmers Field School, muli rin nitong pinagtitibay ang suporta sa mga magsasaka at ang patuloy na pagsusulong ng isang mas produktibo, moderno, at matatag na sektor ng agrikultura sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







