Monday, August 17, 2026

Paglipat ng impeachment trial sa hapon, pinag-aaralan na ng Senado

Pinag-aaralan na ng Senado na ilipat sa hapon ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Layon ng paglipat ng schedule sa hapon na mabigyan ng mas mahabang oras ang pagdinig.

Ayon kay Senate President Win Gatchalian, nais din ng mga senador na mapabilis at matapos agad ang paglilitis.

Sa ngayon, umaabot sa Lima hanggang anim na oras bawat araw ang trial habang umaabot naman sa tatlo hanggang apat na oras ang Senate session.

Sinabi ni Gatchalian na posibleng umaga ang lehislatibong sesyon at hapon ang impeachment trial gayunman patuloy pa rin ang pag-uusap ng mga senador tungkol sa pinakamainam na schedule.

Partikular na ikinukunsidera rin ng mga mambabatas ang kapasidad ng mga support staff na kapwa gumaganap sa lehislatibo at impeachment proceedings.

Facebook Comments