Wednesday, May 20, 2026

39 BARANGAY SA ALAMINOS CITY, SUMALANG SA DRUG CLEARING ORIENTATION AT VALIDATION

Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa ilegal na droga, sumalang sa isang masusing orientation at on-site validation ang 39 na barangay sa Lungsod ng Alaminos nitong nagdaang Lunes, Mayo 18, 2026.

Ang malawakang aktibidad ay magkatuwang na isinagawa ng Barangay Drug Clearing Officer at mga kawani mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Office, Department of the Interior and Local Government (DILG), Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City, at ang Alaminos City Police Station.

Ayon sa pamunuan ng pulisya, nakapokus ang aktibidad sa pag-inspeksyon at pagtiyak kung sumusunod ang bawat barangay sa mga pamantayan at parameters ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Kabilang sa mga pangunahing sinuri ay ang aktibong partisipasyon at functionality ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC), pag-validate sa mga ulat ng drug-cleared at non-drug-cleared status, gayundin ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng preventive education, community-based rehabilitation, at paggabay sa mga sumailalim sa aftercare programs.

Layon umano ito upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad para sa lahat ng residente, sa pamamagitan ng matibay na kooperasyon ng mga law enforcement agencies at ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments