Planong ilapit sa mga motorista sa Urdaneta City at mga karatig-lugar ang mga serbisyo ng Land Transportation Office (LTO) sa oras na maisakatuparan ang planong pagtatayo ng isang Licensing Extension Office sa loob mismo ng isang mall sa lungsod.
Ito ay matapos ang isinagawang ocular inspection ng LTO Region I, kahapon, Hunyo 30, 2026.
Ayon sa ulat ng LTO, target nitong ilapit ang access ng mga residente ng Urdaneta City at mga kalapit na bayan sa mga frontline services at gawing mas madali ang pagproseso ng mga transaksyon sa pagkuha ng lisensya.
Ang proyekto ay isinusulong sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at LTO Region I, sa pakikipagtulungan ng isang pribadong sektor, bilang bahagi ng pagpapalapit sa mga serbisyong pampamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







