KAMPANYA KONTRA DENGUE, PINAANDAR SA VILLASIS

Nagpapatuloy ang kampanya sa pagtugon sa dengue ang lokal na pamahalaan ng Villasis sa pamamagitan ng Dengue Awareness Program noong Hunyo 26.

Isinagawa ang programa kasabay ng paggunita sa ASEAN Dengue Day kung saan pinag-usapan ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.

Kabilang dito ang regular na paglilinis ng kapaligiran, pag-aalis ng mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, at ang kahalagahan ng agarang pagpapakonsulta sa mga health facilities.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagpapatupad ng mga information at prevention programs ng lokal na pamahalaan, bilang suporta sa kampanya ng Department of Health at ng mga bansa sa ASEAN kontra dengue. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments