Bagong mga kaso ng 2 Omicron subvariants, naitala ng DOH

49

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitala nilang bagong kaso ng Omicron subvariants na BA.4 at BA.2.12.1.

Ayon sa DOH, ang BA.2.12.1 ay na-detect sa 2 local at 3 returning Filipinos mula sa Amerika.

Kinumpirma naman ng DOH na natukoy na nila ang 7 close contacts ng 5 nagpositibo sa BA.2.12.1.


2 dito ay close contact ng local cases, at ang 5 ay close contact ng returning overseas Filipinos.

Habang ang karagdagang kaso ng BA.4 ay na-detect sa pinakahuling genome sequencing.

Facebook Comments