Incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo, target ang digitalized na pagbibigay ng ayuda

280

Nagbigay ng marching order si President-elect Ferdinand Marcos Jr., kay incoming Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Tulfo na kinausap na siya ni incoming Executive Secretary Vic Rodriguez at ang marching order sa kaniya ni President-elect Marcos na i-digitalize ang pagbibigay ng ayuda sa ahensya para mabilis itong naipapamahagi.

Bilin din aniya ni Marcos na linisin ang listahan ng DSWD kung saan, dapat na aniyang tanggalin ang hindi na kailangan pang makabilang sa listahan na mabigyan pa ng ayuda.


Magkakaroon ani Tulfo ng pagkukumpara sa listahan ng mga nasa barangay at listahan ng LGU at mula doon ay malalaman kung sino ang tunay na nangangailangan at karapat- dapat na mabibigyan ng ayuda.

Nabatid na di Tulfo ang papalit kay outgoing DSWD Secretary Rolando Bautista.

Facebook Comments