BAGONG OPISINA NG OPISYALES SA BRGY. MARABULIG 1, MALAPIT NG MATAPOS

Cauayan City – Patapos na ang ginagawang bagong opisina ng mga Brgy. Officials sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Orlando Villa, sinabi nito na tapos na ang konstruksyon ng opisina, at pintura at paglalagay na lamang ng mga kagamitan ang kailangang tapusin.

Aniya, ang pagtatayo ng bagong opisina ay dahil masyadong maliit ang dating opisina ng mga officials kaya naman kinakailangan nilang magkaroon ng mas maluwang na opisina.

Dagdag pa nito, ang dating opisina ng Brgy. Officials ay gagawing opisina ng mga barangay staffs upang mas maging maayos ang kanilang pagta-trabaho lalo na tuwing sila ay nag-aayos ng mga dokumento.

Ayon din kay Kagawad Villa, mayroong ibinigay sa kanilang mga tinistis na kahoy kaya naman ito ang kanilang ipapagawang lamesa at mga upuan para sa bawat opisyal.

Maliban dito, nagpagawa rin ng barangay ng bagong Comfort Room para sa mga bibisita sa kanilang lugar.

Facebook Comments