
Cauayan City – Nabenepisyohan ng libreng dental services ang mga Person Deprived of Liberty na kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP Cauayan.
Ang programang ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Oral Health Month kaya naman nagsagawa ng dental mission sa BJMP Cauayan.
Sa pagsasagawa ng Dental Mission ng City Health Office ng lungsod, 24 na PDL ang nabunutan ng ngipin habang 6 naman ang sumailalim sa dental na pagsusuri.
Samantala, nagsagawa rin ng dental mission ang Bureau of Jail Management And Penology Regional Office 2 – Health Service Division kung saan 42 na PDL ang nabenepisyohan ng libreng bunot, check-up, tooth restoration, at dental cleaning.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang maayos na kalagayan ng ngipin ng mga PDL sa Cauayan City District Jail.