Bagong Philippine Army Chief, binisita ang mga lugar na sakop ng Western Mindanao Command

70

Binisita ng bagong Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Jose Faustino Jr. ang mga lugar na sakop ng Western Mindanao Command (WestMinCom) kahapon.

Siya ay pinagkalooban ng military honors at tinanggap ng kanyang mistah sa PMA “Maringal” Class of 1988, na si WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan sa kanyang pagdating sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.


Sila ay sabay na pumunta sa Jolo, Sulu at kinumusta ang tropa ng Joint Task Force Sulu at 11th Infantry Division na pinamumunuan ni Maj. Gen. William Gonzales.

Bumisita rin si Lt. Gen. Faustino kay Sulu Governor Abdusakur Tan sa Provincial Capitol sa Jolo, Sulu at siniguro ng gobernador ang buong suporta sa kampanya kontra terrorismo sa Sulu.

Pinasinayaan din ni Lt. Gen. Faustino ang bagong gusali sa 1102nd brigade headquarters sa Tagbak, Indanan, Sulu.

Ang pagbisita ni Gen. Faustino ay para personal na makita ang sitwasyon sa lugar at kumustahin ang mga tropa sa ground upang mapataas ang kanilang morale.



Facebook Comments