Thursday, July 9, 2026

MAJOR MALLS SAPANGASINAN, NAGBUKAS NG KANILANG PASILIDAD PARA SA MGA APEKTADO NG BAGYONGINDAY AT HABAGAT

Bilang bahagi ng pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng Super Typhoon Inday (BAVI) at ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon), naglabas ng Public Service Advisory ang ilang pangunahing malls sa Pangasinan upang magbigay ng pansamantalang kanlungan at iba pang libreng serbisyo sa publiko, kagabi ng Hulyo 8, 2026.

Nagbukas ang SM City Rosales, SM City Urdaneta Central, at SM Center Dagupan ng kanilang mga pasilidad para sa mga residenteng nangangailangan ng ligtas na masisilungan mula sa malakas na ulan, malalakas na hangin, at posibleng pagbaha.

Ayon sa advisory ng SM, naglaan ang mga mall ng mga sumusunod na libreng serbisyo para sa publiko:

* Libreng Wi-Fi
* Charging stations para sa mga mobile device
* Help Desk na handang tumulong
* Temporary shelter para sa mga apektadong residente
* Libreng overnight parking sa SM City Rosales at SM City Urdaneta Central, habang pinayagan din ang overnight parking sa SM Center Dagupan noong Hulyo 8, 2026.

Samantala, naglabas din ng katulad na advisory ang Robinsons Pangasinan sa Calasiao. Nagbukas din ito ng mall para sa mga residenteng naghahanap ng ligtas na matutuluyan habang nananalasa ang masamang panahon at naglaan ng:

* Libreng overnight parking
* Charging stations

Nagpatuloy ang regular na operasyon ng mall mula 10:00 AM hanggang 9:00 PM, habang nag-operate ang supermarket mula 8:00 AM hanggang 9:00 PM.

Bagama’t hindi nag-landfall sa Pilipinas ang Super Typhoon Inday, pinalakas nito ang Habagat, na nagdulot ng malalakas na pag-ulan, pabugso-bugsong hangin, at mapanganib na kondisyon sa karagatan sa malaking bahagi ng bansa.

Patuloy namang hinikayat ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng PAGASA at ng mga lokal na pamahalaan, at samantalahin ang mga serbisyong inilaan ng mga pribadong establisimyento para sa kanilang kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments