BAGONG SILANG NA SANGGOL NA MAY NGIPIN, LIGTAS NA NAOPERAHAN

Isang Rare na kondisyon ang matagumpay na naoperahan sa bagong silang na may kondisyong tinatawag na natal teeth o agad na pagkakaroon ng ngipin kahit kapapanganak pa lamang.

Ang ganitong kondisyon ay bihira at nangyayari lamang sa 1 sa bawat 2,000 hanggang 10,000 na sanggol.

Sa kaso ni Baby Cyril ay naging matagumpay ang pagtanggal ng naturang ngipin upang maiwasan ang possibleng komplikasyon sa pagpapasuso at kalusugan ng bibig ni baby.

Labis naman ang tuwa ng mga magulang at walang hanggang pasasalamat sa dentistang si Marjorie Abrera Nava na naging susi sa matagumpay na proseso.

Patuloy ang paalala na huwag magdalawang isip na magpakonsulta sa mga espesyalista lalo’t mahalaga ang mga ganitong uri ng kaso upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng sanggol. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments