Bagong tatag na Department of Migrant Workers, wala pang itinatalagang kalihim

198

Wala pang napupusuan si Pangulong Rodrigo Duterte na mamumuno sa Department of Migrant Workers.

Ito ay makaraang isabatas ng pangulo ang Department of Migrant Workers Act nitong Huwebes.

Ayon kay Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mas mabuting hintayin na lamang ang announcement ng Palasyo hinggil dito dahil tiyak na pinag-iisipan na ito ng pangulo.


Ani Nograles, ang mamumuno rito ay mula sa gabinete ng pangulo na may ranggong secretary.

Ang nasabing departamento ang siyang magpoprotekta sa karapatan at kapakanan ng ating Overseas Filipino Workers (OFWs), sila man ay land-based o sea-based.

Tutugon din ito sa anumang pangangailangan ng OFWs, regardless kung sila man ay documented o hindi.



Facebook Comments