Patuloy ang pagpapatupad ng flood preventive measures sa Purok 6, Barangay Legaspi sa bayan ng Tayug, Pangasinan sa pamamagitan ng sandbagging operations at pagpapatibay ng dike upang mabawasan ang panganib ng pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Nagtulungan ang mga mamamayan upang mapalakas ang depensa ng komunidad laban sa posibleng pag-apaw ng Ambayaoan River.
Ginagamit sa operasyon ang iba’t ibang heavy equipment, kabilang ang bulldozer, backhoe, at loader, upang mapabilis ang pagpapatibay ng dike na inaasahang magsisilbing panangga laban sa malalakas na agos ng ilog.
Patuloy rin nitong hinihikayat ang mga residente na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at makiisa sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








