Nagpapatuloy ang konstruksyon ng mga pasilidad at drainage system sa iba’t ibang bahagi ng Dagupan City matapos isagawa ang inspeksyon sa mga kasalukuyang flood mitigation at infrastructure projects ng pamahalaang lungsod.
Kabilang sa mga sinuri ang mga drainage project sa Mayombo hanggang Caranglaan National Road, Bayanihan, Maharlika, Sitio Looban 1 sa Caranglaan, at Zamora Extension sa Pogo Chico, gayundin ang iba pang pasilidad sa mga pampublikong paaralan.
Tiningnan din ng mga opisyal ng lungsod ang mga proyekto sa Barangay Bacayao Sur, kabilang ang mga pasilidad sa Bacayao Sur Elementary School at ang planong Road Elevation Project mula Sitio Tococ hanggang Sitio Patalan.
Kasabay ng pagpapatuloy ng mga proyekto, isinasagawa rin ang declogging operations sa Arellano Road katuwang ang DPWH at drainage maintenance works sa A.B. Fernandez Avenue Downtown.
Batay sa ulat ng City Engineering Office, nasa 13 na mga kalsada ang on-going ang konstruksyon, habang 96 na ang nakumpleto mula 2023 hanggang 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











