Ikinatuwa ito ng mga residente, lalo na sa bahagi ng Downtown Area at iba pang lugar na unti-unti nang nalilinis ng baha ang mga kalsada.
Dahil dito, maaari nang makadaan ang ilang maliliit na sasakyan, habang nakabalik na rin sa trabaho ang ilang manggagawa matapos bahagyang bumuti ang kondisyon ng mga lansangan.
Ngunit bagama’t bumaba na ang tubig, kapansin-pansin pa rin ang makapal na bakas ng lumot na naiwan sa mga kalsada.
Bukod sa pagiging madulas at maaaring magdulot ng aksidente, kapansin-pansin din ang malansang amoy na dulot ng matagal na pagbabad ng mga lansangan sa tubig-baha.
Ayon kay Bonny Sarmiento, ikinatuwa niya ang paghupa ng baha dahil makatutulong ito upang unti-unting bumalik sa normal ang daloy ng trapiko at pang-araw-araw na gawain sa lungsod.
Samantala, patuloy ang pag-asa ng mga Dagupeno na tuluyan nang huhupa ang natitirang tubig-baha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Umaasa rin ang mga residente na sa patuloy na pagtutulungan ng mga awtoridad at lokal na pamahalaan, tuluyan nang makababalik sa normal ang sitwasyon sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








