Isinagawa ang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa tatlong lokal na pamahalaan, Department of Public Works and Highways (DPWH), at National Irrigation Administration (NIA).
Pangunahing layunin ng pagpupulong na matukoy at masuri ang mga posibleng sanhi at salik na nagdudulot ng pagbaha sa mga apektadong lugar, gayundin ang pagpapatibay sa mga umiiral na datos at aktuwal na kondisyon sa mga komunidad.
Tinalakay rin ng mga ahensya ang mga posibleng hakbang upang matugunan ang problema, kabilang ang agarang intervention, medium-term solutions at pangmatagalang flood mitigation measures.
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga concerned agencies at LGUs upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang buhay, ari-arian at kapakanan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








