IKATLONG KWARTER NG NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2026, ISINAGAWA; ILANG ESTABLISYIMENTO SA DAGUPAN CITY, NAKIISA

‎Isinagawa ang ikatlong kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahapon, September 10, 2026 kung saan nakilahok ang iba’t-ibang ahensya, lokal na pamahalaan, paaralan at mga establisyimento.

‎Isa sa nakiisa ay isa sa malalaking mall sa Dagupan City kung saan ganap na alas-dos ng hapon, kahapon ay nakisabay sa pagsasagawa ng nasabing drill.

‎Ayon sa pamunuan ng mall, lahat ng tenants sa loob ng mall ay nakibahagi sa pamamagitan ng kanilang mga representatives upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging maalam sa oras na mangyari ang mga ganitong klase ng kalamidad tulad ng lindol.


‎Nagsagawa rin ng reenactment ng mga posibleng kaharaping sitwasyon sa gitna ng lindol tulad ng pagsasagawa ng tamang paglabas sa exit points, evacuation areas at duck, cover, and hold position.


Maging pagsaklolo at pagresponde sa mga posibleng masaktan sa oras na maranasan ang lindol ay isinagawa rin.


Tiniyak ng pamunuan ng mall na hindi lamang tuwing mga sabayang earthquake drills sa bansa ginaganap ang nasabing drill kung hindi mayroon din silang sariling trainings para sa seguridad at kaligtasan ng mga tenants at ng mga mall goers.


‎Samantala, patuloy ang pagpapaalala ng awtoridad ukol sa mga dapat tandaan ng publiko sa oras na makaranas ng paglindol upang laging handa at ligtas ang bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments