BALIK LOOB | Super siyerna winner na si Mark Estephen, balik sa pagiging transwoman!

Balik na muli bilang isang transgender woman si Mark Estephen, AKA Sabel Gonzales, ang super sireyna winner.

Matatandaang January 23, 2018, nang talikuran ni Mark ang pagiging transwoman para yakapin ang kanyang tunay na katauhan, bilang isang lalaki dahil umano sa Panginoon.

Pero, kaninang madaling araw lang nang kumpirmahin ni Mark ang muling pagbabalik nito sa pagiging transwoman.


Pero sa kabila nito, hindi pa rin daw niya tinatalikuran ang kanyang pananampalataya.

Dahil sa naging desisyon, umani ngayon ng batikos mula sa social media si Mark AKA Sabel Gonzales.

Hinirang siyang super sireyna queen of flowers 2014 ng isang noontime show.

Nakapasok din siya sa top 10 ng miss international queen 2017, ang pinakamalaking beauty pageant para sa transgender women.

Facebook Comments