Ban sa pagdaan ng provincial bus sa EDSA, wala pang finality kung kailan maipapatupad

Wala pa ring katiyakan sa kung kailan tuluyang maipatutupad ang provincial bus ban sa kahabaan sa EDSA.

 

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, tuloy tuloy muna ang dry run ng pagbabawal ng provincial bus sa EDSA dahil patuloy pa ang kanilang pag aaral kung epektibo ba ito.

 

Bukod dito, nangangalap pa rin sila ng suporta sa mga mayor sa Metro Manila dahil may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na humihiling ng Temporary Restraining Order sa provincial bus ban.


 

Paliwanag ni Garcia, nagkaroon sila ng executive session ng Metro Manila Council at napag usapan dito ang pag-extend at pag-cut ng prangkisa ng city buses.

 

Ipauubaya na umano nila sa LTFRB ang pagtukoy sa mga bus na mababago ang ruta at kung ilang bus ang maapektuhan nito.

 

Nabatid na sa ilalim ng MMDA Resolution No. 19-2 nakasaad na sa Hunyo ay hinihikayat ang mga LGU na ihinto ang pag iisyu ng business permit sa mga provincial bus sa EDSA.

Facebook Comments