Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang gusali sa Mandaluyong City

61

Natagpuan na walang ng buhay ang isang katawan ng lalaki sa warehouse ng Podium B, Axis Residence Tower 2, Robinsons Cybergate Complex, Pioneer Street, Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City, pasado alas-5:30 kaninang umaga.

Ayon sa Mandaluyong Police, nakilala ang bangkay ng lalaki na si Jomar Clareon Garina, 34-anyos at isang stay-in painter ng nasabing gusali.


Batay sa ulat ng pulis, ang brother-in-law at katrabaho na si Jayson Matotilla ang nakadiskobre sa bangkay.

Napag-alaman ng Mandaluyong Philippine National Police (PNP) na isa lamang natural death ang kaso ni Jomar at agad naman itong dinala sa pinakamalapit na funeral services.

Facebook Comments