Bangkay ng OFW na si Jenny Alvarado, nakatakdang i-autopsy sa Bacoor, Cavite

Labis-labis pa rin ang paghihinagpis ni Angel Calisin, anak ng OFW na si Jenny Alvarado na nasawi sa Kuwait dahil sa coal suffocation.

Ayon kay Angel Calisin, nakatakdang isailalim sa autopsy ang bangkay ng kanyang ina sa Bacoor, Cavite.

Paliwanag pa ni Calisin, matapos ang autopsy ay dadalhin sa kanilang tahanan ang bangkay ng kanyang ina sa Rodriguez, Rizal at doon ibuburol.


Umaasa ang pamilyang Alvarado na hindi na maulit sa ibang pamilya ng OFW ang sinapit nilang doble-dobleng pasakit dahil lamang sa kapabayaan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Samantala, nilinaw naman ni Angel na tatlo silang magkakapatid na nagtungo sa NAIA ngunit dahil limitado lamang ang maaaring pumasok ay hindi na napaunlakan ang kaniyang walong taong gulang na kapatid na si Angelo.

Facebook Comments